Pages

Friday, December 23, 2011

IT ALL HAPPENS IN THE YEAR 2011



IT ALL HAPPENS IN THE YEAR 2011
HIGHLIGHTS OF 2011

Ang pagsisimula ng taon ay siya ring pagsisimula ng mga plano natin para sa buong taon. Ngunit bago pa man natin maisip at mabuo ang mga ito kailangan muna nating balikan ang nakaraang taong kumbaga sa isang pelikula “Ang Nakaraan”. New episode na! pero sempre karugtong lang yun ng nakaraang episode.

Starting 2011, January

Naging parang circus para amin ang taon 2010, higit lalo sa aking pamilya, maraming isyu ang nabunyag, madaming pagsubok ang dumating ngunit nasolusyunan naman ang mga ilan dito.

Starting the year with so many things na paulit ulit lang na ginagawa o naka-ugalian na at unexpected things as well.
Third week of January was the piyesta ng barangay namin, Sto. Nino, and yearly naman eh naghahanda kami para sa mga bisitang pumupunta samin, and yearly we always expected ang pagdating ng mga tropa namin at mga relatives. At night nagkakaroon pa ng konti inuman, at ilan sa mga nakasama kong maginuman this year eh ang mga tropa ko sa Bataan, classmate ko sila nung high school.





FIRST PAMANGKIN!
Sa pagpasok ng taon 2011, ay siya ring pagpasok ng isang malaking gift para sa buong pamilya. January 25, b-day ni mama ay siya ring pagdating ng kaunaunahan kong pamangkin na si LOUISE YSABELLA, although not really the first pamangkin kasi may na una pa kaming pamangkin sa pinsan ko, pero iba pa din kapag yung nanggaling sa sarili mong kapatid. Pagpasok pa lang ng taon isa na kagad blessing para sa pamilya.



ANG FUN RUN AT ANG DEFENSE
February ng taong iyon, puspusan na ang grupo(Allan, Batoy, Mark, Miko) sa paggawa ng prototype na kasama sa defense, nariyang mag oovernight kila Mark para lang mayari lahat ng ginawa, papers, prototype. Pero bago pa man yung Defense day na yan, mauuna muna ung Fun Run: Takbo Para sa Kalikasan na siya ring nagging finals naming sa isa sa aming mga subject.


March 2011, Defense day, ako yung na assign para mag present ng mga ginawa naming Entitled: HARNESSING MECHANICAL ENERGY THROUGH THE USE OF SWING DOOR. Nung una mejo kinakabahan pa ko, pero nang tumagal tagal mejo okay okay na ko. Tanongan portion shete sinabon kami ng mg panelist namin, pero overall naman eh masasabi kong naging aus naman hanggang sa huli. Tama nga sila pagnayari na daw Defense parang natapos mo na din ung course na ECE.
Defense Day!



IN-HOUSE
Last activity na gagawin in college is the in-house. All groups need to prepare a poster ng kanikanilang project.


Pictures before the graduation day come!



Graduation day na!
April 7, Pagkatapos ng limang(5) taong paghihirap, pagsasakripisyo, pagpupuyat kunyari, pag oovernight, at kung ano ano pang mga bagay na nagawa para lang makapsa sa lahat ng subject… Eto na un ang pikahihintay naming araw, ang araw ng pagtatapos sa kolehiyo. Probably that day was one of greatest day that happened to me last year. Although alam kong simula pa lang yun ng panibagong mga bagay na dapat kong pagdaan pero that day parang gusto kong huminto na lang dun ang lahat dahil sa limang taong pag aaral sa kolehiyo nakamit ko din ang aking inaasam na diploma! But sabi nga nila dinagtatapos ang lahat sa pagkamit ng diploma, bagkus ito pa lang magigising simula ng mga panibagong step na dapat kong lakarin at lakbayin.

Graduation Day Photos!


After the Graduation day:
Pero sempre di matatpos ang lahat ng ganun ganun lang ng walang celebration. After the graduation day we decided to have a celebration kila Jocy, ung narefund naming sa toga ay siyang pinangcontribute namin para makabili ng mga kakainin naming at iinumin sa celebration. It was fun na kahit simpleng salo salo lang eh punong puno naman ng tawanan at kwentuhan ang araw nay un!


NEW CHAPTERS NG AKING BUHAY
After Graduation start na ng review, anim(6) na buwang review para sa lisensya, May 2011. Start na din ng panibagong pagsubok hindi lang dahil iba ang lugar ng pag iistayan pati na rin ang pagkikisama sa bahay na aming titiran. Oo nga, mga magkakaklase kami for five years pero iba pa din ung titira kaming lahat sa iisang bahay ng samsama. Nasubukan ko na rin naman ung ganitong set-up nung na OJT kami nila Mark, Miko at Allan sa Masinloc Power Plant okay naman kasi wala naman maarte samin pero sempre iba pa din kapag madami na kasi ibat ibang uri ng ugali ang meron tayong mga tao maaring yung iba mapakibagayan mo pero sempre meron at merong din hindi mo makasundo pero in the end wala na kong magagawa eto na ung set-up kailangang ko na lang sumunod at sempre makibagay. Labing-dalawa kami ng nagsimula kaming magreview sa manila, majority plus jonel and lee. Nung una pakiramdaman pa, mejo nanglumaon okay na ang lahat. Pakikisama at sempre pagiging totoo sa sarili ang naging pamamaraan ko sa pag stay ko sa bahay.



ENVIRONMENT ADOPTATION
Sa mga unang buwan ng aming pag-stay sa manila, ang unang dapat naming gawin ay mag adopt sa new environment na aming titiran, at naging madali naman para sa amin ang maka-adopt sa lugar na iyon. Pero ako lagi kong sinasabi sa kanila na “ayaw kong baguhin ang mga bagay na nakaugalian ko nang gawin, hahayaan kong ang manila ang mag adopt sa akin” dahil kalamitan pag nakapambahay ako sa Bataan naka shorts (boxer) lang at sando lang ang suot ko, eh ano namang paki ko sa sabihin ng mga taga manila, wa pakels…hehehe, masanay na sila! anim na buwan akong mag iistay dito!


ANG BUHAY SA MAYNILA
First week: checked, Second week: Checked, nakukuha pang magfacebook habang nagrereview. second week ends unang uwi ng Bataan after mag start ng review. Mejo okay okay pa kasi puro basic pa lang ung tinuturo at ganadong ganado pa sa pagrereview. Month of May ends mejo, at start na ng June at start na din ng pasok ng mga estudyante mejo naglalamlam ung eagerness sa pagrereview kasi nabalitaan namin na ang importanteng part lang ng review eh yung last two weeks kaya un, nag iistart nang tamarin sa pagrereview. Nanjan yung ung buong araw natutulog, babangon lang kapag kakain na, may time pa nga na puros internet lang yung inaatupag, at libot ng libot kung saan saan pupuntang SM, pupuntang Divisoria, may panahon pa na naging computer shop yung kwarto.

End of June, two months stay in manila, two months of review, every end na lang ng months lagi kong tinatanong ung sarili ko kung ano ano ung mga natutunan ko sa review, and lagi kong sagot sa sarili ko, “ay nagreview ba ko?, bakit parang wala pa rin akong alam hanggang ngayon!” napapaisip tuloy ako kung mag eexam pa ko or hindi na kasi ang laki na ng gastos sakin, pero sabi ko sa sarili ko, “okay lang yan may apat(4) na buwan pa siguro naman kakayanin ko pa un. Pero di ko alam na pagtungtong ng July eh siya pa lang mas magigibusy buwan, hindi dahil sa pagrereview kundi madaming birthday celebrant ang July at isa na ko dun!


BIRTHDAY MO, BIRTHDAY NIYA AT BIRTHDAY KO!
First celebrant ng barkada sa buwan ng July si Shane, nagcelebrate siya ng bday sa dorm namin, in that day akala ko siya ung isusurpresa nila at hindi ko alam na ako pala ung surprise nila, hinubuan nila ko ng short sa harap nilang lahat, at ang pasimuno ng lahat si mark, ay teka parang di naman ako nasanay na binubully ni MARK, eh araw araw yata akong binubully nun, but anyways in that insident hindi ko pa pinapahalata na naaasar na ko ng mga oras na un eh, hinintay ko muna ng magsialis na sila shane, chaka dun ko pa lang pinaramdam na nabanas ako sa ginawa nilang un. At dun na nga nauso ung pagbobook worm kapag nagtatampo hehehe. Ako kasi yung taong paggalit ako pinapakita ko talaga na galit ako pero ayaw ko din namang patagalin yung galit na un kasi as I always say "kami kami na nga lang yung magkakasama nagkakatampuhan pa" kaya nung mass i decided na dapat di nako magtampo para okay na ang lahat, kaya iyon nga ang nangyari.

Next bday naman ni Frank, before that day pala sinalubong namin ung bday niya eksaktong 12mn sinurprice namin siya at un na kantahan na ng hapi bday, at dun na nga nagsimula ang usapan na dapat salubongin ang bday ng bawat isa. Bday ni frankie and it was a picapica theme...fishballs, fries, shomai etc… That day kumpleto ang barkada, kainan, kwentuhan at dun ata nauso ang larong "Brand game" well anyways it was a meaningful and happy day para saming lahat especially sempre para kay frank.

July 7, b-day q to!


July 7, my 21st birthday! Hindi ko inaasahang magiging ganon yung 21st bday ko. Ang plano ko pa naman magkakaroon ako ng 21 d' bar, 21 redhorse, gusto ko kasi magcelebrate ng kakaiba puro ba alak, hehehe, parang di naman sila sanay sakin sabihan mu lang ako ng may inuman pupunta ko eh! As I said a while ago dapat salubunging ang araw ng bday ng bawat isa, at siyang ngang nangyari. They surprise me with doughnuts at naka 21 shape ung mga doughnuts. That time after singing hapi bday, nagkaroon pa ng konting inuman bago kami nagsi tulog, galing kila xiaxia ung drinks and thank you for them tamang tama ayun pa naman ung gusto kong pag salubong sa bday ko, inuman hehehe.


ANG BIRTHDAY KO!

Nung araw na yun saktong Thursday edi St. Jude day yun, tamang tamang I used to go to church pag b-day ko, at natuwa naman ako kasi lahat ng mga tropa ko eh sama sama kaming nagsimba as well as tatang na isang INC pero sumama pa rin siya para magkakasama kaming lahat, as I frequently saying na MAGKAKASAMA LANG ANG BUONG TROPA, okay na ko! At siya ngang nagyari that day. After ng mass we decided to go to mall para mag libot libot kasi pang-gabihan pa ung pinaluto kong food. Nang umuwi na kami papuntang dorm di naanan muna naming ung food na pinaluto ko para makakain na kaming lahat. And ayun na nga kumain na kami ng gabihan, akala ko  pa nga kukulangin ung food, nagkamali pala ako ang daming sobra kaya we decided na magbigay na din sa mga ka dorm mate namin. Although inaasahan q na din na di ako mag bebirtday sa bahay namin that year, iba pa rin pag family mo ung kasama mo sa isa sa important occasion ng buhay mo, nevertheless pinunan naman lahat ng un ng mga TROPA ko na madalas di man halata na tinuturing kong mga kapatid, kuya, ate at kapamilya…hehehe. And definitely that was one of the greatest things that happened in my life this 2011. (A LOT OF THANK YOU sa mga TROPA at KAIBIGAN ko!)

Pagkayari ng birthday ko matagal tagal bago ung susunod na birthday, July 20 pa at ung naman ung birthday ni Allan. Just like the old times, sabay sabay na naman naming sinalubong ung birthday ni allan. As usual pag may birthday sempre di pwedeng di kumpleto ang barkada, punong puno na naman kami sa room and we all celebrated ung birthday ni allan, kainan at sempre ang walang katapusang kwentuhan.

Last celebrant ng July ay si RR, but apparently it was Monday and karamihan samin eh umuuwi ng Friday ng hapon and ung balik eh, Monday pa. And ung mga natira sa room namin eh ang alam Monday pa ung balik niya, at balak namin that night eh tatawagan namin siya at sabay sabay kaming kakanta ng happy birthday para di maputol ung nakaugalian na pagsalubong sa birthday. So ayun na nga we didn’t expect him na nadarating ng Sunday alam namin Monday pa ung dating niya, and all of a sudden bigla bigla dumarating siya, and kami ung nasurprise di namin alam ung gagawin, wala kaming na plano kung pano sasalubungin ung birthday niya. Pero sempre madidiskarte ata kami agad agad nakaisip ng plano at un nga di naputol ang nakaugalingang pagsalubong sa birthday, kaso kulang na kami ng isa wala na si batoy lumipat na siya dorm para samahang si tita niya. Parang isa pa sa nakaugalian na sa dorm pag may birthday sempre dapat may blowout, at hindi naman kami binigo ni RR, kainan and inuman pero sempre di alak softdrinks.



BACK TO NORMAL, BACK TO REVIEW
Okay yan tapos na din sa wakas ang mga birthdays, back to normal na naman kami, review mode na naman grupo! At the end of month tatanungin ko na naman ung sarili ko “maynatutunan ba ko this month? Handan a ba ko para sa board exam?”. Magfa-flash back na naman sakin ung mga ginawa ko last month, at magiging bottom line na naman nito eh, okay lang yan may three months pa para matutunan ko ang lahat, mag iisip na naman ako ng pampalakas ng loob, okay lang yan sabi naman nila last two weeks un naman ung importante sa pag rereview eh! Mabuti pang di ko na laman yung mga bagay na ung siguro kung di ko naman un mas marami pa kong mababasa, but anyways nangyari na ang lahat wala na kong magagawa dun three months na lang I have to move on!

ANG PAGBABALAK LUMIPAT NG DORM!
Before the end of July mejo napagiisip na ko na “eh kung lumipat kaya ko ng dorm kasi parang ang pangit ng ambience ng dorm, laging mainggay, laging parang computer shop” nagkataon naman na parang nagkakatugma yung iniisip namin ni RR. Naunahan lang ako ni RR na magyaya eh, technically siya ung nagyaya sakin na lumipat na kami ng dorm, so aun na nga nabubuo na ung plano ng maglipat ng dorm napagkasunduan naming ni RR na as much as possible dapat makalipat na kami ng dorm by the end of month. Ang una kong napagsabihan ng balak naming paglipat ay si Allan nagkataon naman na si allan eh may balak ding lumipat kaso lang naghihintay lang siya ng time, nagkataon naman na meron ng bakante sa dorm nila jocy kaya nagdecide na si allan na lumipat, ang feeling ko naman parang naging triggering device kami sa paglipat ni allan (SORRY ALLAN). And yun na nga pinagtapat na naming yung balak naming paglipat ng dorm sabi namin “balak naming lumipat ng dorm, naghihintay lang kami na may mabakante sa dorm nila jocy”, pero parang pagkakataon talaga ang nagsasabi na dapat wag na kaming lumipat ng dorm kasi hanggang nayari ung review di nabakante yung dorm nila. Natatandaan ko pa nung nagkakatuksuhan ung tropa ng mga may balak lumipat ng dorm sabi ko pa “MAGKAKASAMA TAYONG PUMUNTA DITO, TAPOS LILIPAT KAYO, DAPAT MAGKAKASAMA PA RIN TAYONG AALIS”, nung nandun na ko sa scene na un parang may nagbalik sakin ng words na un, napaisip tuloy ako, ai oo nga sakin pa naman nanggaling mga salita na un tapos ako pa pala yung aalis. Buti na lang di natuloy ung paglipat at hanggang sa huli dun pa din kami sa dorm!

REVEALING THE SECRET’S: BAD OR GOOD
August and September, kung di ako nagkakamali ang mga nangyari jan eh, ang pagkakalabas ng Q&A from others school, Modules, pagkakabunyag sa mga lihim na materyales ni tatang, pre-board at ang chilles. Apparently preparing for the pre-board was so cramming, nakupo pre-board na wala pa masyado nababasa although expected naman na mababa ung makukuhang grades dun pero sempre dun mu pa rin ma rerate kung san ung weak na subject ko. Napagkasunduan ng grupo na icompile ung mga modules na kung saan malaki ang matutulong saming lahat, hindi lang sa time sempre sa gastos din.

At sa paakakatanda ko sa mga panahon ding to lumabas yung Q&A from other school ni les. Natatandaan ko sa laptop ko ata unang nilagay yun bago pa man kumalat sa lahat ng grupo. At first hindi naming binigyan ng pansin ang bagay na yun dahil sa unang tingin ay napaka dami nito at parang nakakatamad basahin pero di naming alam na dun din pala manggagaling yung ibang tanong sa pre-board. Napagkasunduan na wag daw ikakalat sa iba ang materials nay un, gaya na din ng sabi les.

ANG MGA SUSUNOD NA PANGYAYARI AY PAGLILINAW LANG KUNG PANO NAGSIMULA ANG TAGUAN NG REVIEW MATERIALS. PAST NA NAMAN, SIGURO NAMAN PWEDE NG SABIHIN SA LAHAT ANG TUNAY AT ANG TOTONG MGA NANGYARI SA MGA BAGAY NA YUN. ISUSULAT KO TO HINDI DAHIL GUSTO KO LANG BAGKUS GUSTO KO LANG MAGING MALINAW SA LAHAT ANG MGA TUNAY NA NANGYARI.

 Yung pagkakaalam naman ng grupo na may tinatagong materials si tatang eh, aksidente lang naman un. Sana nga di ko na lang nakita ung mga yun ay, dahil dun parang nagkaroon tuloy ng gap ung magkabilang dorm! Ganto kasi yun, kadarating lang ni tatang nun galing sa mahabang bakasyon tapos may hiniram akong materials nun and I accidentally saw ung xerox ni tatang ng mga materials nya ng kung saan kasalukuyan pa lang naming kinocompile yun. At first di muna ako nag tanong kay tatang kung bakit meron na siya nun, edi sinarili ko muna. Kaso parang ang bigat, lagi kong iniisip “bakit kaya meron ng ganun si tatang?”. Ako kasi yung taong ayaw ko ng pinaglilihiman ako, kaya as much as possible ayaw ko din maglihim sa iba, and isa pa mahahalata mo sakin pag may tinatago ako, isang sign di ako makatingin ng diretso sa mata and aasahan mong iiwas at iiwas ako sa taong may atraso ako. At iyon na nga hindi na ko nakatiis sinabi ko na din sa iba ung nakita ko, ang pagkakamali ko lang eh di ko kagad tinanong si tatang about that (Tang SORRY), anyways nangyari na ang nangyari kinausap na naming si tatang about dun sa bagay na un and sempre mejo maiinit ung iba, kesyo kami kami na lang daw ang magkakasama tapos magtataguan pa kami at iba pa. at first ayaw pa rin ni tatang I share samin ung materials pero sempre naliwanagan din si tatang about dun at ipinakita rin samin, ang naging usapan lang eh dapat daw wag na sanang lalabas sa iba ung materials sa grupong nasa dorm na lang daw, at dun na nga nabuo ung usapan na lahat ng makukuha kay tatang eh samin samin na lang at wag ng lalabas sa iba kahit na sakabilang dorm.

 Ang nangyaring iyon ay siyang nagtulak saming lahat na paglihiman ang kabilang grupo, oo masama pero naiipit lang kami sa gitna, gusto naming pumasa parepareho, kaya yun pumasok din sa mga isipan namin na kailangang may gawin kami para maisakatuparan naming yun. Napagkasunduan ng grupo sa dorm na pumayag sa kasunduang iyon para magkaroon kami ng dagdag na materials.



Ang PRE-BOARD at ang CHILLES
Bago pa man dumating ang araw ng pre-board mejo sumasama na ang pakiramdam ko, siguro dala na din puyat at pagod ng pag rereview reviewhan kuno! Pre-board day, first day naging okay naman ang takbo pero alam ko sa sarili ko na mababa pa rin ang makukuha ko dahil na rin siguro kulang pa talaga ang napag aaralan ko at dala na rin ng sama ng pakiramdam. Pagkayari ng unang araw ng exam eh nagpahinga na muna ko, di na rin ako nag basa ng materials na para sana sa second day of exam at para mejo umayos na rin ang pakiramdam ko. Second day! Ang sama pa din ng pakiramdam ko, nahihilo ako habang kumukuha ng exam, last subject ng exam pinilit ko na lang na tapusin ito kahit na hilonghilo na talaga ako. Nagmadali akong umuwi ng dorm para magpahinga, subalit di pa rin humuhupa ang aking lagnat. Kaya napagpasyahan kong umuwi na sana ng Bataan muna, subalit pinigilan ako ng mga kasama ko sa dorm mag pa check-up na lang daw muna ko para makasiguro kung pwedeng magbyahe, baka daw kasi mapano ko sa byahe. Kaya iyon, nag pa check-up na din muna ako sa Chilles Hospital malapit lang yun sa dorm naming, chaka natatakot na din ako baka kasi dengue na, uso pa naman yun nung mga panahon na yun! Lumabas sa mga test na tonsillitis lang pala, what the! Pero okay na din yun ng na check na di pala dengue. In that incident napatunayan ko na I’m so blessed with so many friends na handing tumulong sa mga oras na kaylan ko sila, and I would like to thank the whole gang, majority plus jonel and mark lee, especially kay RR sobrang laki ng naitulong niya, sa pagbilibili ng gamut ang inumin! (THANK YOU Dre!). Pagkatapos nun I decided na magpahinga muna ng makabawi ng lakas, one week break din yun.


Back to the review, malapit ng mayari ang review, refresher and coaching na yung susunod. Meeting meeting na naman ang grupo plano ditto plano doon, buti na lang may nabuo kahit papano. Dating gawi by group may nakatokang numbers na kakabisahin at pagkayari icocompile at pagsasamasamahin.

Si Asher at ang kakulitan ng grupo!
Napagpasyahan ni Asher na lumipat na sa dorm naming. Lumipat para mag review o makipagkulitan? Pabor para samin ang paglipat ni asher sa dorm kasi ang dami ding alam ni asher kaya tamang tama pag di naming alam ung isang bagay o kaya may tanong kami eh, nandun siya para matanongan naming kaya okay na okay din yung paglipat nya. Kaya lang di parin sempre mawawala yung kakulitan ng mga tropa, nariyang hubuan si asher o dili kaya ang iba sa dorm. Pinaalam na din namin ang nangyayaring taguan ng materials at ang kasunduan kay asher dahil nga dun na rin naman siya sa dorm natutulog.

Leslie @ Andreas at ang mga MATERIALS
Sa paglipat ni les sa dorm ay siya ring pagdating ng maraming materials. Ngunit sa paglipat nyang ito ay siya ring pagsikip ng mundo ng pagtatago ng mga materials. At yun nga di din nagtagal nalaman din niya ang tungkol sa mga materials ni tatang.

TEKA, BREAK MUNA! SUMMIT @ MT. SAMAT
Palapit na ng palapit ang araw ng board exam pero bago yun, break muna sa magulong mundo ng maynila, review at kung ano pa mang bagay. We decided na isama si Nance and Mycan sa Bataan para naman ma experience nila yung tahimik na mundo sa baryo. One of the activity na ginawa naming eh mag hiking sa Mt. Samat.

SURVIVOR ANDREAS
Ang dami daming mga bagay na naglabasan sa mga panahon ng paglapit ng araw ng bord exam. Ang daming mga lihim na tinago, ang daming bad things na nagawa. Maikukumpara ko sa larong survivor ang nangyari sa mga nalalabing araw ng pag rereview. Nariyang ang daming alliance na nagsulputan, usap dito usap doon, ang daming iyakan at aminan na nangyari, pero sa huli iba pa rin pag may pinagsamahan na kahit anong pagsubok na dumating eh kakayanin at maaayos at maaayos pa rin!

SINIMULAN MO TAPUSIN MO!
Last month na ng review, October! Pero parang kulang na kulang parin talaga ang mga nireview subalit di na rin mapipigilan ang panahon at paglapit ng araw ng board exam. Pero sempre last month na, malapit na din ang last two weeks ng coaching na kung saan “dun daw” nagbibigay ang review center namin ng “leakage”, kaya di pa din ako nawawalan ng loob, go pa din!

ANG MGA HULING BIRTHDAY SA ANDREAS!
Ngunit subalit datapwat may tatlo pang tao ang mag bebirthday before yung final judgement naming, si jonel, si rennel at si mark. Ngunit di tulad ng dating pagsalubong ang nagawa naming sa mga sumunod na nag birthday kasi mejo intense na din ang lahat sa pagrereview, siningit lang naming ang pag kanta ng happy birthday during the midnight of their birthdays. Pero sempre ang di nawala eh ung pagcecelebrate nito. Si Jonel nag pa ice cream, si Mark naman nag pa doughnut and drinks, si rennel sosyal! nagpachow-king. Pero para samin di ang pagkain ang nagbibigay ng saya sa tuwing kami ay nag diriwang n gaming mga kaarawan, bagkus ay magkasama sama lang kami, okay na!



AMINAN NA TO!
Habang papalapit na ng papalapit ang araw ng board exam ay siya namang pagkakabukingan ng mga natatagong lihim. At iyon na nga di nga naming napigilan na malaman ng kabilang grupo ang mga tinatago naming materials, naglabasan na ng sama ng loob, nag iyakan pa sila, ngunit sa huli nagkasundo din ang buong tropa na sabihin na lahat ng mga bagay bagay. Inaamin namin na mali nga kami sa pagtatago ng mga materials subalit hindi lang namin disisyon yun, dahil kami ay sumusunod lamang sa mga tunay na may ari ng materials na  yun. Sa mga ka grupo namin na feeling ko napagtidoran namin “SORRY PO”, oo naging sakim kami, inisip lang namin ung mga sarili naming “PASENSYA NA PO”, we admit nagkamili kami, pero sana maintindihan nyo rin na nagawa lang naming yun dahil na rin sa kagustuhan naming pumasa! Tanong lang, “Kayo ba di nyo kami pinaglihiman o pinagtaguan ng materials sa panahon na nakakatunog na kayo na may ginagawa kaming mali?”, well anyways, meron man o wala tapos na ang lahat we have to move on, pero sana di na maulit ang mga bagay nay un sa grupo natin, dahil sa totoo lang ang bigat bigat sa pakiramdam pag ang dami dami tinatago, pero kung observant kayo mahahalata sakin yung mga pangyayari kasi madalas umiiwas ako at di na ko masyado nakikipag-usap sa mga taong pinagtataguan namin ng mga materials, lalung lalo na kila Allan at Batoy, ang hirap kasi humarap sa mga taong ang tagal tagal mong nakasama tapos gagawan ng mga ganong bagay (SORRY ALLAN, SORRY BATOY).

THIS IS IT, PANSIT! BOARD EXAM NA!
A day before the board exam nagkaroon muna ng mass ang mga reviewee ng review center namin. Punong puno ang simbahan at pagkayari ng misa di pa din nagsisialis ang halos lahat ng mga reviewee dahil alam namin na magbibigay na tip ang review center about sa exam, were so totally umaasa dun dahil kalimitan yun daw ang lumalabas. So after the mass, imbes na magpahinga ay nireview pa naming ung mga binigay na tip. Review, review at review pa ulit, last minute na lang review pa din ang inatupag imbes na magpahinga!

First day Mathematics and Electronics: bago kami pumasok sa examination school ni Jonel, eh dumaan muna kami sa simbahan, St Jude. Pagpasok ko sa school kung saan ako mag eexam, hinanap ko muna ung room assignment ko, kaso lang nakalimutan ko, kaya dali dali kong tinext si Allan para tanungin kung anong room siya para mahanap ko yung akin, pawis na pawis na ko sa kakahanap ng room nay un, yun pala nasa dulo lang ng pasilyo ung room naming. What the! unang exam pa lang, ibang iba na sa nireview namin, buti na lang mejo malawak ang kaalaman ko sa math kaya mejo may nasagot naman ako kahit papano. Totoo nga ang sinasabi nila na “Ang unang araw ng exam ang magtatakda ng mood para sa next day”. Second subject, Electronics, para skin okay naman ang mga tanong dahil kasama sa mga nabasa ko ang mga lumabas. Pag kayari ng exam nag punta ulit kami sa church para magpasalamat dahil tapos na din ang unang araw ng exam. Pagdating sa dorm, iba ang pakiramdam, ramdam na ramdam ang tense sa loob ng silid, parepareho kami na nadismaya sa unang subject dahil taliw na taliwas ang exam sa nireview namin. Nalaman din naming na “last minute eh nagbago dawn g exam ang PRC dahil kumalat daw na may leakage na kumalat kaya daw nagpasya ang PRC na magpalit ng exam”. Kaya ng gabing iyon dinaan na lang naming sa kain at halos lahat ay nagpahinga ng maaga.

Second day: GEAS and EST, as usual dumaan muna ulit kami ni Jonnel sa church bago pununta sa examination school. Third subject was GEAS, alam ko sa sarili ko na wala ako masyado nireview sa subject na to, at hindi ko binigyan ng pansin dahil ang alam ko lang bibigay na ng review center samin ang lalabas sa exam but apparently nahiram ako ng masyado sa subject na to! pero sabi naman nila lumabas daw lahat yung tanong sa coaching, naisip ko na lang, siguro dahil binaliwala ko yung subject na to kaya masyado kong nahirapan, samantalang sa pre-board nalaman kong weak ako sa subject na to! Then last subject was EST, isa pa sa binale wala kong subject, nag focus ako masyado sa Electronics na subject nakalimutan may dalawa pa palang mahihirap na subject, kaya wala na kong magagawa kundi hulaan na lang ung exam. Ang last day ng exam ay Sunday kaya pagkayari ng exam dumiretso kami kagad sa Church para mag simba, mejo na kukutuban ko na na alanganin ako sa exam nay un kaya pinagpapasa DIYOS ko na lang ang lahat. Samasama kaming nag dinner at pagkayari ay hinanda na namin ang mga gamit namin upang sa pagsapit ng kinabukasan ay handa na kamin umuwi ng Bataan. Nayari din sa wakas ang anim na buwang paghihirap, feeling ko nakawa na ko sa kulungan at alam kong handa na rin akong suungin ang pagdating ng mga panibagong pagsubok na darating sakin, at nararamdaman kong malapit na malapit nay un!

SAMALAT AT PATAWAD
Una sa lahat maraming salamat sa lahat ng taong kanasama ko sa anim na buwan na pagstay ko sa manila, sa mga nakabiruan at nakainuman thank you po.ganun din sa mga taong ang dami kong natutunan lalo higit kung pano ko mapagtatagumpayan ang anim na buwang pag stay sa manila. Kay frank na nauutangan ko pag kinakapos ung budget ko, THANK YOU dre. Pangalawa patawad po sa mga taong madalas di ko nakakasundo, kay Miko lalo higit kay RR SORRY! Sa mga kabarkada naming nagawan namin ng mali, Shane’s group lalo higit kila Allan and Batoy SORRY PO SA INYO!

Maraming salamat sa lahat ng mga bagay na natutunan ko at sana kahit papano ay may natulong din ako sa inyo kahit sa maliit na paraan. Lagi nyo lang tatandaan na anumang mangyari eh nandito lang ako handing tumulong.
MAGKAKASAMA LANG TAYO, OKAY NA KO!

LUNGKOT PAGKAYARI NG SAYA
November, nakaugalian na ng pamilya na samasamang magpunta sa sementeryo upang mag alay ng panalangin sa mga kaanak na yumao at sempre di din mawawala ang “picture, picture”. 

Gabi ng araw nay un eh nagroon kami ng konting inuman nila Jo-raniel, Meng-meng, Leem, Danilo, Shalimar, Emily at Realyn ilan sa mga barkada ko nung akoy nasa high school pa lamang na magpahanggang ngaun eh tulad pa din ng dati ang samahan namin.

November 4, ang paglabas ng result ng exam, although alam ko na impossible na makapasa ko di pa din ako nawalan ng loob hanggang sa lumabas na din ung result and sad to say hindi ako pinalad na makapasa in my first take! At first lakas lakas lang ako ng loob, di ako iiyak sabi ko sa sarili ko, dahil na rin siguro ayaw ko kasi makita ng mga magulang ko na nalulungkot ako sa resulta, ayaw ko rin kasing makita sila na nalulungkot eh, kaya never akong umiyak nung nalaman ko yung resulta. And I really appreciate my family na napaka supportive, saying “okay lang yan may second time pa naman”, “okay lang yan, siguro di ka lang swerte ng mga panahon na yan pero darating din yung time mo, maghintay ka lang”, at higit sa lahat “Lahat ng bagay ay may dahilan, siguro may mas magandang bagay na gusto mangyari sayo ang DIYOS” kaya din siguro mejo nabawas yung burden sakin, sabi na eh “mas magandang kasama ang pamilya sa tuwing may mangyayaring maganda man o masama dahil higit kaninu man ang pamilya ang mas higit na makakaunawa satin”. Ang ginawa kong way para di masyadong isipin ang mga pangyayari eh, nag unlimited ako saka ko nanggulo sa mga tropa kong di din pinalad na makapasa para na rin icomport ko sila. Tinatago ko lang yung nararamdaman ko pero deep inside alam kong napakasakit nun. Pero sempre, I congratulate din yung mga friends naming pumasa. Sabi nga nila “Pagnadapa matutong tumayo.” Kaya ganun na lang ang gagawin ko, pagkatapos kong madapa, unti unti akong babangon upang makamit ko ang aking hinahangad na tagumapay, in the right time alam kong makakamit ko din yun! After a week na lumabas ang result, 3rd week ng November I decided na magstart ng mag review para sa april, sa pag take ko ng board exam eh naway akoy maging handa na ng buong buo! Siguro di na din ako kukuha ng refresher and coaching, mas maganda siguro kung sa sarili kong paraan ko ako mag rereview ng malaman ko yung kapasidad ko bilang isang tao, at ng mabalik ko din yung confidence ko sa sarili. And hopefully mapagtagumpayan ko rin ito.

ANG BIRTHDAY NI LOLA ANITA
Two days before Christmas, birthday ni Lola Anita aka. Nanay. I was then a memorable not exactly for us but sempre para sa kanya, every birthday niya siguradong kumpelto ang angkan, parang pre reunion bago ang Christmas dun din nila pinag uusapan ang gagawin for the Noche Buena.

ANG NOCHE BUENA AT ANG PASKO
December 24, busy na ang lahat sa paghahanda ng pagkaing ihahain sa Noche Buena. Nang gabing iyon nakatoka sakin ang pag ba barbecue, at sempre dapat mayari ko yong before mag 12mn, Noche Buena na kasi nun. Dagsa ang pag dating ng mga tao sa bahay ni lola were we celebrate the Noche Buena, nariyan ang mga kamag anakan namin both lolo and lola’s side, at sempre ang mga kapit bahay din namin dito.

Pasko, maaga pa lang may pumupunta na sa bahay namin para manghingi ng aginaldo. At nagsidatingan na rin ang mga inaanak nila ate, buti na lang wala pa kong inaanak. Lumipat ako sa bahay nila Nanay at dun ko nakita na mas doble ang pumunta ngaung umaga kasya kagabi, ang daming mga bata ganun na din ang mga magulang nila, na siya namang mga kamag anak din naming. Di tulad last year parang ang dami dami na naming kamag anak na di kakilala, dahilan na rin siguro ng minsan minsan lang nagkikita at yun nga eh tuwing may celebration lang at pasko’t bagong taon. Pero para sakin di ang aginaldo o regalo ang importe sa araw ng pasko kundi ang pagbibigayan at pagmamahalan ng bawat pamilya at mga magkakamaganak.


BEFORE DECEMBER ENDS
Ang daming mga nangyari ngaung taon, may maganda, may pangit, may masaya at may malungkot din. Pero sa lahat ng mga ito ang importante sa lahat eh ang mga bagay na natutunan ko sa taon na ito, maaring di ko na mababalikan ang mga pagkakamali at masasayang sandali, nariyan naman ang pagpasok ng panibagong taon na siyang magbibigay sakin ng panibagong pag asa, upang itama ang mga nagawa kong pagkakamali at gumawa ulit ng marami pang masasayang bagay. Oo tapos na ang taon pero sa pagpasok ng taong 2012, ay siyang pagbubukas na panibagong yugto ng aking buhay. Maraming salamat sa lahat ng tumulong, nakasalamuha, nakakwentuhan, nakainuman at sa mga taong walang sawang nagmamahal, THANK YOU PO SA LAHAT LAHAT NG MARAMI! Naway sa darating na 2012 ay samahan nyo ulit ako na lampasan ang mga pagsubok na darating at sa mga maliligayang araw ko na pararanasan sa taong iyon.

Sunday, May 31, 2009

How great is our GOD?!


Last may 29, 2009 I receive a text message coming from a friend and it is about “how great is our GOD?!”The message is as follow…..

“How great is our GOD?!

Study shows that swine flu virus (H1N1 influenza A) is acquired through air.

Ecologist says that the best way to clean the air is by rain.

We Filipinos wonder “why rain in summer?”

Now you know.

Kindly pass.”


Although there is a scientific explanati0n about climate change, like the global warming. I wondered why we experienced such things like that.

Summer season here in the Philippines starts from March and ends until May, but then we experience typhoons in summer season. Experts say that it is due to theclimate change that is happening in the whole world. And then lately influenza a discovered and it is spreading around the globe. Are these things is only coincidence? Or maybe GOD’s purpose to lessen the case of H1N1?

Whether it is GOD’s purpose or it is just a coincidence, it is good to think that…

that’s GOD’s way to show His helping hands to us…

my reaction on this:
the purpose of the rain in our season is to clean the air and to stop the fast spreading of the influenza A (H1N1).

All About My Onoma

Bk8 kaya ROMMEL yung name na pinangalan sakin? Bk8 ky dina lang Harry? O kaya Peter? Pwede ring steven? O di kaya Jonny?

0o nga noh! Bk8 ky ROMMEL MECAYER MAGCALAS yung pinangalan sakin?

The surname magcalas came fr0m the surname of my father na may lahing kapangpangan at tagalog, pinaghalung magcalas and guevarra. magcalas fr0m his father, my grandfather and guevarra fr0m my lola. While Mecayer came fr0m my m0ther na may lahi namang bikolan0, picaso fr0m her m0ther and mecayer fr0m my lolo. Вy the way mecayer first kn0wn as mecalyer in the spanish era and was change into mecayer for s0me reasons. s0me of our relatives uses k instead of c fr0m magcalas pero cl lola c ung ginmit, pero either c or k same p rin nmn ung sound ky parang di rin ng iba, karamihan daw kc ng matatanda nun k ung ginagamit, pero mas ganda p rin n letter c n lng ung gmitin namin para s0syal i spell. Let’s have my given name R0MMEL… obviously r ung favorite letter ng parents q, halata nmn lht ky kmi starts with letter r, except cempre s junior ni papa. orlando magcalas and adeluisa mecayer ung name ng parents q, o cempre kinuha lng din ung name q s pinagsama nilang name, the first and sec0nd letter RO fr0m my father’s name and EL fr0m my m0ther’s name and MM fr0m the first letter of their surnames. oh ha! thats wer my name came fr0m.

For almost 18 yrs q ng ginagamit ung name na binigay sakin ng aking mga magulang. And if ever im given a chance to change my name, I rather not to change ung binigay saking name ng parents q. And to those who didn’t know for almost 4 yrs in high school, tatlo kaming Rommel in a section o c diba di lang ung mga magulang q ung may gusto sa name na Rommel…..
ikaw san nagmula name m0?